top of page
Search

Philippine National Museum

  • Michelle Artap
  • Mar 20, 2016
  • 2 min read

Brief History


Ang Pambansang Museo ng Pilipinas ay ang opisyal na repositoryong itinatag noong 1901 bilang museong pangkasaysayang natural at pang-etnograpiya ng Pilipinas. Ang gusali ay matatagpuan sa tabi ng Liwasang Rizal malapit sa Intramuros, Manila. Dinisenyo ang gusali ng isang arkitektong Amerikanong si Daniel Burnham noong 1918. Sa ngayon, ang gusaling iyon na dati ring nagbahay sa Kongreso ng Pilipinas ay ang kinalalagyan ng mga dibisyon ng mga sining, mga likas na agham, at iba pang mga dibisyon. Kabilang sa mga pag-aaring yaman nito ang bantog na Spoliarium ng makabayang si Juan Luna.

Ang karatig na gusali sa Agrifina Circle ng Liwasang Rizal na dating gusali para sa Kagawaran ng Pananalapi ay siya ngayong nagbabahay sa Dibisyon ng Antropolohiya at Arkeolohiya na kinikilala bilang Museo ng Lahing Pilipino (Museum of the Filipino People).


Source: https://tl.wikipedia.org/wiki/Intramuros

 

Sculptures


Paintings


Pangalawang pinuntahan namin ang National Museum. Pagpasok namin dito, bumungad na sa amin ang rebulto ng isang anghel na may kulay puti. Ang rebultong ito ay gawa ni Guillermo Tolentino.

Pagkakita naming ng rebultong ito ay kinunan agad naming ng litrato at pagkatapos ay tinuloy-tuloy pa namin ang paglakad patungo pa sa loob ng nasabing lugar. Dito naming nakita ang mga naglalakihang mga larawan na kung saan ang mga ito ay nilikha lamang sa pamamagitan ng pagpinta. Pinagmasdan namin ang ito hanggang sa maisipan naming ikutin pa ang ibang silid dito kaya tinuloy pa naming ang paglakad hanggang sa marating namin ang isang silid na kung saan puno ang mga dingding nito ng mga lrawan. Inisa-isa naming pinagmasadan ang mga ito at kinunan ng mga litrato.

Sumunod naming pinuntahan ang katabi nitong silid at ditto naman namin nakita ang mga inukit na mukha ni Rizal.

Sa sumunod pang silid ay nakita naming ang mga kagamitan ng mga sinaunang ninuno na tulad ng mga lumang haligi, at mga lumang ulo ng simbahan.

Dahil sa halo-halong pagod at gutom namin sa araw na iyon ay napagpasyahan naming huwag na munang ituloy ang pag ikot sa iba pang bahagi o silid ng lugar na ito kaya naman lumabas na kami.

Habang papalabas na kami, naiisip ko ang mga bagay na nakita naming sa loob at napapatanong ako aking sarili na, “kung sakaling buahy na ako noon, makakagawa din kaya ako ng mga litrato o rebultong katulad nakita naming sa loob?”, “kung isa ako sa mga bayani noon, ipipinta din kaya nila ang ako bilang isang alaala sa pagigig bayani ko tulad ni razal?”, pero tulad nga sabi ko ay katanungan lamang ang mga iyon na puno ng imahinasyon nakahit kalian ay hindi mangyayari.

Pagkalabas naming ng aking kaibigan ay dumeretso kami isang gilid upang kumain. Pagkatapos naming kumain ay tumayo ako at nagtungo sa mga mamang nagmamay ari ng mga bike. Nagtanong ako sa kanila kung saan ang daan papuntang Intramuros at sumagot naman sila at sinabi ang direksyon papunta sa lugar na iyon at noong nasabi na nila ay inalok nila kami na ikutin daw namin ang Intramuros sakay ang kaniyang bike ngunit magbabayad kami ng halagang 150. Dahil sa hindi pa naw3awala angb oagod namin ay pumayag nga kami. At ito na nga.

 


 
 
 

Comentarios


Subscribe for Updates

Congrats! You're subscribed.

  • Black Facebook Icon
  • Black Twitter Icon
  • Black Pinterest Icon
  • Black Flickr Icon
  • Black Instagram Icon

© 2016 by The Michelle Adventure. Proudly Filipino.

bottom of page