Rizal Park
- Michelle Artap
- Mar 20, 2016
- 2 min read

Brief History
Ang Liwasang Rizal o Parkeng Rizal ay nasa puso ng Lungsod ng Maynila, Pilipinas. Dating tinatawag naBagumbayan (mula sa "bagong bayan") noong kapanahunan ng kolonyalismo sa ilalim ng mga Kastila, at tinawag na Luneta pagdaka. Sa pook na ito binaril si Jose Rizal noong Disyembre 30, 1896. Ang pagkamartir ni Rizal ang dahilan ng kaniyang pagiging bayani ng Himagsikang Pilipino, bagkus, ipinangalan sa kanya ang liwasan para ikarangal ang kanyang pagkabayani. Pinalitan ng opisyal na pangalang Liwasang Rizal ang parke bilang parangal kay Rizal. Nagsisilbi ring punto ng orihen o Kilometro Sero patungo sa lahat ng ibang mga kalunsuran sa Pilipinas ang monumento ni Rizal. Matatagpuan ito sa Intramuros at ang bahaging katimugan naman ay nasa Ermita.
Source: https://tl.wikipedia.org/wiki/Liwasang_Rizal



Noong araw ng linggo, ika-28 ng Pebrero, taong 2016, nagtungo kami ng kaibigan ko na si Marilyn Corpuz sa ilang Historical Site sa ilang parte ng Metro Manila tulad ng Rizal Park, National Museum at Intramuros para sa aming gagawing proyekto sa asignaturang Philippine History And Nationalism.
Una nga naming pinuntahan ang Rizal Park. Kumuha kami ng mga litrato dito upang magsilbing dokumento o katunayan ng aming pagpunta sa nasabing lugar.
Ang ilan sa mga larawang nakunan namin ay ang mga litrato ng mga dakilang yumaong mga bayani tulad nina Lapu-Lapu, Francisco Dagohoy, Diego Silang, Datu Taupan, Pantaleon Villegas, Francisco Maniago, Gregorio Aglipay, Marcelo h. Del Pilar, Jose Ma. Panganiban, Apolinario Mabini, Datu Ache, Graceano Lopez Jaena, Sultan Dipatuan Kudarat, Mateo Cariño, Vicente Alvarez, Datu Anai Pakpak, Apolinario De La Cruz, at Aman Dangat. Hindi rin mawawala ang lugar kung saan pinaslang ang ating pambansang bayani na si Jose P. Rizal at siyempre, nandyan narin ang kanyang Monument.
Masaya sa pakiramdam ang pagpasyal sa mga lugar tulad nito dahil bumabalik sa ating isipan ang mga kabayanihang ginawa nila noon laban sa mga dayuhang mananakop na nagtungo dito sa ating bansa sa mga panahong iyon.
Habang naglalakad at pinapasyalan namin ang Rizal Park, maramin tanong ang naglalaro sa aling isipan tulad ng mga katanungang; “paano kaya sila nakipaglaban noon? Paano kaya kung buhay na ako nong mga panahong iyon, mapapabilang din kaya ako sa mga bayani tulad nila rizal? Ano naman kaya ang mga maitutulong ko sa kanila kunga sakaling buhay na ako sa mga panahong iyon?”